Isang Siglo ng Kapatirang Mason Angkang Pilipino

Noong Hulyo 4, 2024, ang Kapatirang Mason na Pilipino ay nagtipon-tipon sa Manila Hotel Valle de Manila upang ipagdiwang ang isang makasaysayang okasyon—ang isang daang taon ng kanilang pag-iral. Ang pagtitipon na ito ay nagmarka ng isang siglo mula nang itatag ang kapatiran noong Hulyo 4, 1924. Ang tema ng salu-salo, “Pagpapatuloy ng Gawaing Makabayan at Gawaing Masoniko,” ay nagsilbing gabay sa pagdiriwang ng kanilang makulay at mahalagang kasaysayan.

Sa kabila ng mga pagbabago sa lipunan at mundo, ang mga hermano ay nagtipon sa isang payak ngunit makabuluhang pagdiriwang. Ang simpleng salo-salo na nagsimula sa ganap na ika-9 ng umaga ay nagsilbing pagkakataon upang ipakita ang kanilang patuloy na dedikasyon sa mga prinsipyo ng masonikong gawaing makabayan at serbisyo.

Ang pagdiriwang ng isang siglo ng Kapatirang Mason ay hindi lamang isang pagkakataon upang balikan ang mga nakaraan kundi isang paalala ng kanilang patuloy na misyon sa hinaharap. Ang kanilang isang daang taon na paglalakbay ay puno ng aral at tagumpay, at kanilang ipagpapatuloy ang kanilang dedikasyon sa mas makabayan at tuwid na mga gawain.